JOLO in Germany

The Upgraded Jolog

Archive for the ‘Unang post’ Category

Ang unang post ko, kung kailan tinawag akong makamundo (‘world’) ni Wordpress.

Hello world!

Posted by jolog on January 27, 2008

Welcome to WordPress.com. This is your first post. Edit or delete it and start blogging!

Huy, WordPress. FYI, hindi ‘world’ ang pangalan ko, medyo makamundo nga lang kung minsan. You sound like E.T., as in the movie! It’s JoloG, short for Jolo in Germany.

Hay salamat. Sa wakas, nakagawa na din ako ng blog. Mag-aanim na buwan na tayo sa Germany pero ngayon lang ako nakagawa nito. Medyo hindi kasi tayo computer-savvy tsaka medyo busy sa studies (naks!). Na-challenge ang pag-iisip ko sa pag-register dito. Ano ba ang kinalaman ko sa mga tags at RSS na mga ‘yan. Pero kung si Inday nga nakagawa ng blog (na may sariling domain na ngayon! Ibang level na nga talaga si Inday.), bakit hindi ako? Hi-tech climber, ‘ika nga. Dapat lang, dahil nandito ako ngayon sa land of hi-technology at, uhmm, beer (hindi yata connect ‘yun ah) – Germany, Deutschland, Alemanya (trilingual na si mokong!). Kailangan nating makipag-sabayan, kahit sa internet man lang.

Nandito ako sa Germany para magpaka-dalubhasa. Subok lang ba. Sabi nga, try and try until you die! Medyo walang magawa ngayong Linggo, nagkukutingting sa internet, at naisip ko, bakit hindi ako gumawa ng blog. Kaya mo nababasa ‘to. Kasi wala akong magawa, katulad mo!

Hindi ako makapag-stroll dahil malamig at makulimlim. Panget ang panahon. Pero mamayang hapon baka makipag-meet ako sa kaklase kong Espanyola, nagyayaya uminom. Di yata tayo tatanggi diyan. Mag-se-siesta muna ako para ready tayo mamaya sa tomahan.

Posted in Unang post | Tagged: , , | 2 Comments »