JOLO in Germany

The Upgraded Jolog

Morning glory

Posted by jolog on January 30, 2008

Bago ako matulog kagabi, pinulot ko ang isang aklat na tumatalak sa malikhaing pagsusulat.  Matagal ko na itong hiniram sa silid-aklatan ng pamantasan, ngunit nagsilbi lamang na patungan ng pandak na lampara.  Nakasaad sa aklat na ugaliing magsulat agad paggising sa umaga.  Unang bagay matapos unatin ang mga buto at magkuskos ng muta sa mata.  ‘Di kailangang may saysay ang isinusulat.  Basta magsulat lang ng magsulat.  Ganyan ang ginawa ko sa tala dito kahapon.

May dumagdag na ngayon sa aking pang-umagang ritwal.  Bago o ‘di kaya’y matapos tumulak sa palikuran, maligo, at magbihis, dapat magsulat.  Papano na ang aking agahan?  Kahulugan ba nito’y magiging dead hungry na ako ng tuluyan?  Parang alipin na din ang dating.  Ngunit marami pa din ang gingustong maging alipin, dahil matapos ang paglikha ng isang talata, taludtod o letra, ang manunulat sa kanyang sarili ay diyos na din ang turing.

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <pre> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>