JOLO in Germany

The Upgraded Jolog

Early vacation

Posted by jolog on January 28, 2008

Tatlong linggo pa ang aming hinihintay bago ang aming sem-break, ngunit ngayon pa lang ay napi-feel ko na ang kabanayaran ng mga sandaling wala nang aalalahanin. Sa loob ng tatlong linggo, halos sampung araw kaming walang pasok, ngunit ito’y nakalaan sa aming pangkat na gawain, na maari naming isingit sa pagitan ng pamamasyal, pagba-blog, at pag-inom ng beer (in increasing degree of importance ‘yan).

Ang aming pangkat na gawain ay isang pagsusuri sa dagat ng Mediteranya at isyu ng tubig sa mga bansang nakapalibot dito. Ang napili kong lugar ay ang rehiyon ng Andalusia sa Espanya, kung saan gumagapang papaloob ng Espanya ang industriyang pangsaka ng luntiang bahay (green house?) na tinatamnan ng kamatis, letsugas, atbp. Ang aming pangkat ay kinabibilingan ng dalawang mujeres na kamag-aral mula sa Espanya (gracias!) at isa mula sa India.

***

Sa kasawiang palad, hindi pa din ako maka-kabit sa walang-kawad (wireless?) na internet dito sa pamantasan dahil sa sobrang ka-hi-tech-an na VPN Client na ‘yan. Papano ako magba-blog niyan habang nasa klase? Ginulo ko na nga ang buhay ng nagangasiwa sa mga makinang ito ngunit pati siya ay walang kalaban-laban. Kinalabog niya ang aking laptop dahil sa kanyang kawalan ng kasagutan.  Muli kaming magtutuos bukas.

2 Responses to “Early vacation”

  1. [...] by jolog on January 29, 2008 Nahuli ako ng pitong minuto sa aming pagpupulong at dumating na halos humahangos matapos umakyat hanggang sa ika-limang (ika-anim kung sa [...]

  2. [...] by jolog on January 31, 2008 Naikabit naman ni kuya na naikwento ko dito ang aking walang-kawad na internet sa pamantasan noong isang araw.  Matapos ang isang oras niyang [...]

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <pre> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>