JOLO in Germany

The Upgraded Jolog

Dead hungry

Posted by jolog on January 28, 2008

Noong ako’y nasa ating Inang Bayan pa, kahit ‘di kayamanan, halos walang pagkakataon na ako’y nakakdanas ng gutom.  Bihira akong umaalis ng aming haybol nang ‘di nag-aalmusal, na kalimitan ay dilis, tuyo, at itlog (thus the term jologs).  Kung sakali man, ako’y pinagbabaunan ng aking mahal na ina ng pan de sal na may palamang maling, tuna spread, o ‘di kaya’y keso.

Dahil sa kawalan ng oras tuwing umaga bago pumasok sa pamantasan, medyo dumalas na ng kaunti (mga once a week lang naman) ang pagkakataong ‘yon magmula nang ako’y dumating dito sa Alemanya.  Wala pang isang oras na magsimula ang aming talakayan ay maririnig ko nang nagwewelga ang aking mga alaga sa tiyan.  Ang aking nagiging solusyon ay impitin ang aking sikmura, at tumakbo sa suking panaderia pagdating ng recess.  Kung minsan bumibili na lang ako ng pongkan (healthy living daw) malapit sa may hintayan ng tram.

Kung talagang walang-wala, kinakapalan ko na lang ang mukha ko at nagiging dead hungry sa aking mga kaklase (hindi ko naman sila kinakain), at nanghihingi ng kanilang baon.  Dahil dito, naging close ako sa ilan sa kanila. Close ako sa mga kamag-aral kong nagdadala madalas ng chocolates (parang Nokia ang dating ah, user-friendly na, connecting people pa!).

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <pre> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>